Bakit nga ba?

Bakit nga ba may mga taong hindi masaya sa tagumpay o kasiyahan ng kapwa nila? Ang masaklap pa, kapag kadugo mo ang mga ‘yon. Grabe, dodoble at titriple ang sakit kapag ganun.

Paano kasi, may mga kapamilya tayo na gustong makinabang din sa bawat napagtatagumpayan natin. Sabagay, tradisyon na saten mga Pilipino iyong pinapasa ang kaugaliang halos lahat ng mga magulang ang siyng nasusunod sa kung ano ang dapat maging ng mga anak nila.

Minamanipula ang bawat hakbang at galaw, iyong tipong hindi ka malayang magdesisyon para sa sarili mo. Kaso nga lang, madalas diyan nagsisimula ‘yong pagrerebelde ng mga karamihan sa kabataan.

Na siyang mas lalong hindi ikinakatuwa ng mga mas nakakatanda, kaso kapag hindi ka din magpumiglas. Wala ka din talagang makakamit na kalayaang maging ikaw. Minsan nga sinusumpa pa eh, iyong mga linyahang Hindi ka magtatagumpay, Hindi mo mararating mga pangarap mo.

Kapag nakawala ka, at naabot mo yong sinasabi nilang hindi mo maabot at naging masaya ka diyan na sila magagalit ng labis. At diyan ang simula ng hatakan pababa, aba hindi ka nga pwedeng maging malaya at matagumpay kung hindi din lang sila ang nakikinabang at hindi sila ang sasalo ng lahat ng papuri.

Tsk tsk tsk

Comments

Leave a Reply