Paano nga ba eh ang sakit nga ng break-up ‘di ba? Iyong iba nga may pa 3 months rule pa parang mga tanga. Nong umibig ka hindi ka nagpaalam at huli nang sinabi sa mga kaibigan. Pero nong nagbreak kayo, isang shot pa lang alam na ng buong barangay kaaatungal mo. Pero syempre natural ‘yon eh, ang hindi natural eh ‘yong inabot ka na ng isang taon kakahagulhol.
Paano nga ba kasi ang dapat na ginagawa o mga posibleng paaan para mapadali ang pag-move on ng isang taong nabigo sa pag ibig? Mga broken, ito tandaan niyo. Walang steps-steps. kasi hndi ba sabi nila yong five stages ba yon? May acceptance, denial and so on. Tapos madalas natatgalan sa denial at acceptance, bakit? Pagdine-deny andun sa harapan ng ex nagsusumamong balikan, ‘di kaya nama’y sa mga kaibian nakikipag-inuman at hagulhulan gang umaga. May kasamang text at cha or pa-missed call style pa yan.
Sa acceptance stage naman, dito naman mas lalong dine-deny. Aminin natin pag-broken tayo, mas focus tayo sa pagpapakatanga muna lalo bago usad bahalag inabot ng anim na buwan o isang taon o mas higit pa. Tapos duating sa puntong hidina yong tao o ng relasyon ang iniiykan at pinaghihinayangan. Pahabaan ng taon na tas paramihan ng pangarap na puro pa din naman pangarap gang nagkasawaan na.
Actually, ramdam ko lahat yan. Not twice but only once lang naman, pero alam niyo ba dinanas ko yan lahat. Nagsumamong balikan, tatlong araw na hagulhol on my own, dalawang beses na hagulhol with friends, at syempre ang balik tanaw sa mga drawing na pangarap. Maniniwala ba kayo na umiyak ako ng tatlong araw lang? Ganito kasi ‘yon, it was a sevem year old relationship pero hindi na siya healthy.
Sa seven years 2-3 years akong nag-veverify ng mga thoughts ko ng damdamin ko, to simplify ako ang nag-initiate ng break-up. It was difficult enough na inabot ako ng ganun ka habang oras para makabuo ng desisyon na alam kong hindi ko kailanman pinagsisisihan at pagsisihan. Iyon ang unang dapat natin tandaan, unang bagay na kailangan ay ang lakas ng loob.
So paano ko ba ginawa? Una, I’ve made myself a promise to myself and to that person kasi na kapag ramdam na di na maganda o maayos, papakawalan ko siya ng hindi kami magkakasakitan at ng may respeto pa sa iba. Para bang, let go while you are inlove. Not oiterally but you at least have remained respectful sa isa’t-isa. Tinanong ko siya kung may gusto ba siyang gawin sa buhay niya, like dreams to pursue and a journey to tale alone.
Believe it or not, ang bilis ng yes. Tapos sabay sabi, pareho daw kami ng iniisip. So ayos na hindi ba? Pero the next lines from that person was like teying to put the blame on me, tinanong ako kung dahil ba nagbago ang shape ng katawan nagbago ang ganito ang ganyan etc., Lesbian kasi ako mga nilalang, and she thought na nakipagbreak ako dahil tumaba siya. Of course hindi naman iyon ng dahilan ko, ‘wag kayo we even went out to shop around and eat together pa kasi mutual agreement nga.
Inako ko ‘yong guilt, akala ko hindi ko kakayanin. Pero furst day lang naman mahirap talaga, second day lighter na, pero third day tinry kong magtulala at ‘di kumain para ramdam kong broken nga ako. Acceptance ba. Few a month later kasama ko mga kaibigan ko humagulhol ako sa sakit, a week later humagulhol naman ako withm orher friends. Ang tanga ano? Nakipagbreak pero iiyak-iyak naman pala.
Pero kasi ang nakakatuwa ‘don, sincere ‘yong intention ko sa break up only to find out na lahat ng pinaghandaan ko for more or less 3 years eh totoo pala. Imagine nalaman ko na lang may kasabay pala ako, may dyowa syang iba habang kai pa at masklap pa non around 2 yrs na sila together. Oh, ‘wag judgemental at wag ako tawagin tanga. OFW kasi kami, and kahit kailan hindi niya ako nagawang imbetahin sa bahay nila para ipakilala sa pamilya niya.
So ayon, ganun na nga break na chuchu. Heto na ang tips ko para di kayo mahirapan mag move on lalo kapag alam niyo sa sarili niyo na lahat ginawa nyo naman.
Tips:
1. Make sure when you say I love you to a person, eh totoo. Kapag alam niyong tumibok puso niyo, bigay nyo lahat. Pero magtira ng maski 1% para sa sarili.
2. Ibigay nyo yong tiwala sa tao, and do make sure na alam niyang mahalaga sayo ang tiwala mo.
3. Huwag kang manakit maski pa magtalo kayo, make sure you give the person the same respect na kagaya ng okay pa kayo. When you spill words that are not supposed to be said or yong hindi naman ‘yon ang pinupunto mo learn to say sorry.
4. Never result to cheating kapag nakaramdam ka ng m changes sa relasyon niyo, for me kasi hindi najajustify ang validity ng cheating kung ang reason is ganun. Always be honest.
5. Know when to let go, I know we all have to frel the guilt of letting go. Ikaw o ‘yong partner mo man ang nag-initiate ng break up. Know when to let go. Huwag magdwell sa you are weak kaya ka bumitaw o bibitaw.
With a good intention I was honest on letting go the person whom once was the one I promise to share a lifetime with, then later on when I found out the truth about her cheating on me. Nasabi ko na lang lalo sa sarili ko, then she deserved to be let go. No more no less, it was the right thing and I was glad I did it. I was glad I was brave enough to initiate it. Walang regrets, since I know I did my very best as a partner. If hindi ako enough then she should’ve let go of me before she decided to cheat. Kaya all of her gaslighting towards me breaking up with her vanished and I have felt more relieved than of regret!
Leave a Reply